Ask ko lang po 4 years na po hindi nahuhulugan ng employer ko yung SSS contributions ko. Naghulog lang po sila ng dalawang buwan last January 2013 tapos hindi na po naupdate hanggang ngayon.
Lagi ko naman kinukulit yung employer ko about sa payment pero may mga sinasabi kasi silang issues sa company address na hindi ko naman alam kung pano ang proseso bakit hanggang ngayon hindi pa po naaasikaso.
Nasabihan din kami na plano nila ilipat kami sa sister company nila. Tapos sabi po ang start date namin dun May 1, 2016 daw po. Eh pano po yun, May 17 2016 na po today at wala pa kaming closure notice na narereceive bukod dun sa verbal notification.
If ever nga po na ililipat kami sa sister company nila, entitled po ba kami sa separation pay?
I am very concerned kasi baka ilipat kami tapos hindi na naman po masettlte yung mga contributions namin. Ang tagal na po kasing problema nito eh.
Thank You!