Atty, just would like to know kung sapat na po ba ang letter of complaint na i- email ko for Chinatrust Law Division (Atty. Palisoc)re: compalint about the staff named Penn Dela Cruz (dont know if that's her real name). Naki pag arrange po ako for the payment kasi last year 2011, nagkaron po talaga ako ng matinding financial problem, nag start ng september, na swindler po kami then nakidnap ang nanay ko. I've explained po sa Chinatrust na hindi ko kayang mabayaran ung amount na gusto nila kasi zero balance po talaga ako.I'm having deppression dahil sa nangyari samin. Until now di pa po ako maka pag cope up. I've applied for a midshift job para makabangon, nakapag loan po ako sa ibang bank and pinagbigyan din ako, magagalang ang mga nakakausap ko sa collection department nila. Ngaun po nag i start pa lang akong masolusyonan lahat ng problems (financial) paunti unti. May mga iniexpect din po ako like salary ko na pambayad, but disappointed po na kaltas kagad ung mga deductions kaya sobrang konti na lang talaga natitira sakin. pamasahe na lang. Si Ms. Penn Dela Cruz po may usapan kaming ngaung katapusan, susweldo ako at magbabayad. Ngaun po, na delay ang sweldo namin and di ko rin sure kung aabot sa 3K pa ang makukuha ko kasi sa dami ng kaltas. Si Ms. Penn Dela Cruz po tumawag sa office number ko, sinisingil ako and then sabi ko wala pa, di pa dumadating sweldo ko. Sabi nya, antayin ko na lang daw ung ikakaso nila sakin kasi ayaw ko lang talaga magbayad sabi ko kung ayaw ko magbayad i ignore ko mga calls and text nyo sakin. and pag goodbye nya sa phone, bigla syang sumigaw ng "ANG KAPAL NG MUKHA MO" then binagsak ung phone. I was totally shocked na ganun ung narinig ko, then I call her back sabi ko Ikaw ba si Penn De la Cruz? Sabi mo sakin dati recorded ang conversation natin? sabi nya OO BAKIT? sabi ko, okey then binaba ko na phone, then she called me again 3x,sobrang taray ng boses, ang sabi sakin DI KA BA MAGBABAYAD? MAY USAPAN TAYO! sabi ko, wala pa nga sweldo ko sabi nya " BAT KA PA NAGTATRABAHO KUNG WALA KA NAMANG SINUSWELDO!!!! sabi ko antayin mo na lang Ms. Penn ang letter ko for you. Tapos for the last time tumawag sya, sabi nya, ANO BA TALAGA ANG GUSTO MONG MANGYARI??? ANONG GUSTO MONG PAG USAPAN NATIN? (which is sya ung tumawag sakin)sabi ko wala na tayong dapat pag usapan Ms. Dela Cruz. So gumawa na po ako ng letter of complaint sa kanya. Ang alam ko po eh di pede sa mga bank na ang staff nila ay bastos! Di ko po ma take ung sigaw nya sa phone Atty., bukod tangi ang Law Division ng Chinatrust na to, bastos ang mga empleyado. Sa Citibank naki usap din ako and mas matagal ung di ko nabayaran sa kanila pero di sila nambabastos kagaya netong si PENN DELA PENA. Atty. ano po ang puede ko makaso sa staff na to? Thank you po.