I just need some legal advice po.
Yesterday nagkaroon ng gulo sa compound namin. Nagsimula po dahil sa pagpapabakod na ginagawa namin sa harapan ng bahay namin. Nagalit ang tita ko at pinsan dahil masasaraduhan daw po ang daan. Nung lumabas ako ng bahay nagsisigawan na ang nanay,tatay,ate,tita at pinsan ko.Umawat ako sa knila hanggang sa isinigaw ng pinsan ko na AMPON ang ate ko. Yes po, AMPON sya at alam yun ng mga kamaganak namin. Pero hindi namin sinasabi sa kanya dahil mahina ang personality nya and talagang sasama ang loob nya. Dinuro duro sya ng pinsan at tita ko habang sinisigaw na AMPON sya at ANAK NG ISANG POKPOK. Regarding naman po sa pagpapabakod namin, next week ay hahanap kami ng geodetic engineer para masukat at madetermine ang bounderies ng property namin. Kung may sobra man willing kami na ipagiba ang gagawin na bakod. Ang gusto ko lang pong malamn ay anong maari naming ikaso sa pinsan ko dahil sa ginawa nyang eskandalo sa pamilya namin.
Maraming salamat po.