Nagsign po Ako ng 3-year contract na may training cost daw po na 250,000. as of now po 2 years and 4 months na ako sa company, ang training po na binigay sakin ay e-learning na free naman sa google. meron din akong certification na kinuha. 12,000 po.
gusto ko na po sana magresign. nahihirapan na po kasi ako sa work plus malayo po ang work sa bago kong bahay.
Nagtry po akong magresign kaso tinatakot nila na isusumbong daw po nila ako sa PRC para marevoke ung license ko. at need kong bayaran in full ang 250,000.
ano pong kaso ang pede nilang isampa sakin kapag itutuloy ko ito?
ano rin po ang pede kong sabihin sa kanila para madaan na lang sa magandang pakiusapan