Nagtrabaho po ako sa isang construction finishing company for 6 years bilang Admin Asst. Nagdecide magresign dahil sa kakulangan ng oras sa pamilya. Maraming OFFERTIME pero walang overtime maliban pag may inventory. Kapag nag alarm ang sensor ng store obligado kang pumunta kahit sa kalagitnaan na nag tulog.
Ngayon ako ay presently employed sa "outright competitor" ng dati kong kumpanya. November 2015 ako ay nakatanggap ng demand letter to pay in full P50,000.00 sa loob ng 10 days due to breach of contract agad ko tinawagan ang HR Head, at sinabi na napag-alaman daw nila na ako ay nagtatrabaho na sa competitor.
Nagreply naman ako thru email kung maaari ay unti-untian dahil wala naman akong pagkukunan ng ipapambayad sa kanila. Hindi sila pumayag. SA dating kumpanya, nasa customer service ako, who entertains queries ng customers and employees, ngayon ay nasa warehouse ako, na employees lang nakakausap ko. Kaya pinaliwanag ko din na sobrang layo ng dating kumpanya ang trabahao ko ngaun. wala din ako sa sales ng bagong kumpanya or communicating sa mga suppliers.
Nung January 2016 ay nagfollow up sila sa akin ngunit hindi ko na nireply. Kahapon ako ay nakatanggap ng Summon mula sa DAvao Justice Hall na kung saan nandoon ang head office ng dati kong kumpanya at pinapapunta para sa hearing, ako po ay nasa Palawan. Kung hindi daw ako aattend na imposible nga naman daw na makaattend ako, ay any representative except Attorney.
Ano po ba ang dapat ko gawin?