Good day po,
Gusto ko lang po sana humingi ng advised sa situation ko?
Nag apply po ako sa 1 agency sa Mindanao Ave. Q.C. accepted na po ako & naka pag pa medical na, hinihintay na lang po yung Visa ko. na pag alaman po ng agency na may un-used visa daw po ako kaya hindi ako ma-issue-han ng new visa, kasi po may previous apply po ako sa ibang agency pero nag back-out po ako dahil mababa yung offer nila, wala pa naman pong formality or acceptance letter, naka pag refused na po ako dun sa agency & pumayag sila na i-withdraw ko lahat ng requirements ko. hindi ko po alam kung bakit hindi nila pina-cancel yung visa ko & w/c is hindi pa naman po ako pumirma ng contract sa employer. ano po ba ang pwedeng advised na ma-ibibigay nyo sa akin? hindi po ako maka alis ng bansa dahil sa un-used visa na hindi ko naman po pinakinabangan.
maraming salamat po at mabuhay po kayo...