May nagutang po sakin ng 84k tapos po tumakas po sya at nag tago.
Nag post po ako sa facebook ng picture nya para po babala sa mga taong tinakasan nya. at dahil sa galit narin dahil tinakbuhan nya ako.
Ngayon bumalik sya nag rereklamo ng paninirang puri ebidensya nya ang post ko sa fb.
Nag file ako ng Small Claims -- on going pa --
Sya naman po ay mag fifile ng libel case.. kakatapos palang namin mag usap sa brgy. kanina. kami padaw po ang mag babayad sa kanya dahil sa ginawa ko sa facebook.
Hindi ko po inamin ang post ko sa fb. sabi ko wala akong alam dun. tapos po deactivated n ang fb ko.
Ano po ba ang laban ko dito?