Pahelp naman po ako. Need ko po ng legitimation annotation sa NSO ko po.Lahat ng Identifications ko po sa school at work ay under sa surname ni papa. Pero nung pagkakuha ko po ng birth certificate ko po sa NSO wala pa pong annotation.
Nagtry po akong magprocess ng Legitimation sa Manila City Hall dahil doon ko lang daw po maipapaayos yun kapag born abroad daw. Kumpleto po ako sa requirements except lang po sa wala ni isang documents na nagpapatunay na anak ako ng papa ko except sa Birth Certificate na nakapirma sya pero ayaw tanggapin ng Manila City Hall.Kasal na po ngayon parents ko kaso ang mahirap nito ay patay na papa ko .
Ang last piece na document na may patunay na anak nya ako ay yung papel na may notaryo nakalagay po ay legitimation.Pero ayaw po iaccept . Ang sinabi naman po sa akin nung officer sa City Hall ay need ko na daw po ipa court yun .
Baka po mabigyan nyo po ako ng advise anu pwedeng gawin .
Thanks in advance
Last edited by lyndshabe19 on Sun Apr 03, 2016 9:47 am; edited 1 time in total (Reason for editing : incomplete info)