Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Anung kaso para Unfair treatment of parents

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Miss s


Arresto Menor

Simula ng nagwork ako,regular kong binibigyan ng pera ang nanay ko.lalo na bung nagabroad ako. Ako lang naasahan nya pagdating s sustento dahil once in a blue moon lang magbigay yung iba kong kapatid. Natigil yung pagbibigay ko nung nagkaroon n ko ng pamilya at anak. Nakatira kami ngayon s property ng parents ko pero yung bahay na tinitirhan nmin ako ang nagapaayos para maging bahay,tindahan kasi dati yun.Nagkaalitan kmi ng nanay ko dahil mahilig syang mangialam sa pamilya ko. Sinabi nyang masamang tao asawa ko at pati pamilya ng asawa ko ay ininsulto nya. Kinausap ko sya at sinbi ko wag syang magsabi ng masama sa ibang tao dahil hindi nya alam na may anak syang mas masama(kuya ko).Ako lang kasi nakakaalam sa pambababae ng kuya ko. Hindi makapaniwala nanay ko sa sinabi ko,paborito nya kasing anak yun. Imbis na manahimik ang nanay ko,pinagkalat nya na sinungaling ako,gumagawa ako ng kwento at naninira ako. Nung una po kasi tinanggi ng kuya ko yung pambababae nya pero kalaunan inamin din nya.sabi ko kausapin ko lahat ng member ng family ko para mapagusapan dahil ako na nagsabi ng katotohanan ako pa lumabas na masama. Ayaw nilang makipagusap sa akin,pinuprotektahan nila yung kuya ko.lumala ng lumala yung situasyon ayaw p rin nilang makipagusap. Hanggang sa nagaaway na kami ng nanay ko dahil di nila maayos ng tatay ko yyng problema. Bilang magulang sila dapat nagaayos ng problema sa pamilya pero sila pa naging kaaway ko. Ngayon pinapalayas nila ako sa bahay na tinitrhan namin pero sabi ko isaoli na lang nila yung nagastos ko s bahay pati utang ng mga kapatid ko sa akin. Pinagbabayad pa kami ng upa s taon na nilagi nmin s bahay. Sa ibang anak nila di nila ginawa yun. Sobrang unfair nila sa akin, sa lahat ng tinulong ko at panahong ako lang naasahan nila,ako pa ginigipit nila dahil lang sa may nalalaman akong di magandang ginawa ng kuya ko na kinampihan nila. Anu po ba pwedeng ikaso sa unfair treatment ng magulang? Thanks po.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Parang wala eh kasi di k minor

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum