Nagtratrabaho po ako sa company na ito for 7 years na. Nung nagpalit po kami ng boss napansin ko na di maganda ang treatment sa akin nitong bago. Meron po kaming mga audit everyday sa mga staff namin, may mga araw daw po kasi na di ako nag aaudit. Dahil dito binigyan nya po ako ng memo na may 7 days suspension. Nung nag check mo ako ng lahat ng audit nalaman ko na yung ibang auditor marami ring kulang, nag request po ako ng admin hearing sa hrd at nakarating na kami dun. after 2 months nakatanggap ako ng resolution galing sa kanya hindi galing sa HRD. na pinapataw na nya ang aking suspension. may merit po ba ito sa NLRC? ang tanong ko po ay ganito.
1. Tama po bang ako lang ang may memo at yung iba wala samantalang lahat kami nagkami.
2. Tama po bang cya ang magbigay ng resolution sa hearing namin kahit pareho kaming management side?
3. tama po ba ang procedure na binigay sa akin ng HRD at cya.?