Good day po.
Ang kapatid ko po at mga kabarkada nya ay nananakawan sa isang spa. May kalakihan din po ang nanakaw na umaabot sa 60k. Nangyari po ito habang sila ay mina-massage. Ang lahat ng mga gamit nila na nasa kabilang kwarto ay inilabas ng isang tao na inakala ng spa staff na tito nila.
Ang taong ito ay bagong kilala pa lamang ng kapatid ko at mga kabarkada nya. Nagyaya itong tao na ito na manlibre sa spa at pumayag ang kapatid ko at mga kabarkada nya. Naunang pumasok sa spa ang taong ito at sinabi niya na kasama niya ang kanyang mga pamangkin at mag papa spa sila. Doon na niya ginawa ang pagnanakaw.
Humingi kami ng tulong sa pulis, gumawa ng report, at nag sampa ng kaso sa Office of City Prosecutor. Kinasuhan namin ang taong nagnakaw at ang spa dahil sa kanilang negligence. Dahil hindi sa sinabi ng clerk ng City Prosecutor's office na hindi puede kasuhan ang isang establishment, sinampa namin ang kaso laban sa owner ng spa.
Dinismiss ng Office of City Prosecutor ang kaso laban sa taong nagnakaw dahil wala daw nakakaalam ng address at ng totoong pangalan nito.
Dinismiss din ang kaso laban sa spa. Ang sabi po sa resolution ay:
"Assessing the evidence presented, the spa might have been negligent in the safekeeping of belongings of their clients however, it does not amount to a commission of a crime punishable either by the Revised Penal Code or Special Laws which would make the owner liable."
Totoong po bang walang batas laban sa negligence ng isang private establishment? Specifically sa isang spa kung saan dapat ay iniingatan nila ang gamit ng mga consumers dahil sa service nila ya ihihiwalay talaga ang mga gamit ng consumers.
Sana po ay mabigyan nyo kami ng advice. Maraming salamat po ang more power to you.
Gumagalang,
Ramil Aquino Jr.