Seeking for advice..
Meron po akong kapatid na namatay 6 years ago, and may anak po sya actually the cause of death is related to her delivery. Then after ng funeral nya pinakiusapan namin yung tatay ng bata who was 20 years old that time na kung pwede na sa amin na yung bata kasi alam namin na he was not yet capable na buhayin na yung bata, but he refused we understand naman po na he's the father so sya po ang may karapatan sa bata. Until dumating po sa time na hindi na nya dinadala yung bata amd kung kami naman ang pupunta wala daw yung bata. So nag seek kami ng advice sa lawyer and to make it short sabi sa amin wala daw kami rights dun sa bata. Ang question ko lang sir/mam hindi po ba kami pwedeng mag appeal na kahit visitation rights lang sana sa bata or kung pwede bang kahit 2 araw sa ilang linggo e sa amin yung bata pra ma monitor namin kahit papano. Sobrang naawa po kasi ako dun sa bata. Nakikita naman namin na neglected yung bata kaya sana yun nlang yung time na mkakabawi sya pag nandun sya sa bahay namin kc khit papano na proprovide ng parents ko ang kelangan nya. Thank you in advance po sa reply.