manghingi po sana ako ng legal counseling or advice kasi po may pamangkin po akong babae 3yrs old kasal po ung ate ko sa tatay ng bata..ngayon prang gusto po kunin ng tatay yung bata sa amin namatay po kasi ate ko at sa amin po nakatira yung bata simula pinanganak siya dahil hindi po sinusuportahan yung ate ko ng father-in-law nia dun s check up sa bata wala po kasi trabaho yung tatay ng bata kya po sa father niya dn siya nakasandal . tatay po namin yung sumuporta sa lahat po ng gastusin sa pagpapagamot sa ate ko at habang nagbubuntis at ipinanganak yung bata hanggang nayon..kami na din po yun nag-aalaga at nagpapalaki sa bata kaya po yung bata po simula ipanganak sa amin po nakatira pati po yung ate ko yung tatay po ng bata wala pong suporta financially pumupunta po sa bahay namin binibisita po yung mag-ina niya... minsan po manghingi kme kailangan p po ipakita yung bata sa father-in-law. ng ate ko..gatas lang po yung hinihingi namin...minsan po magbigay sa isang taon pag gusto lang po ng lolo ng bata sa tatay niya magbigay..wala pong trabaho yung tatay ng bata at mayroon din pong sakit yung tatay ng bata na psoriasis at nagkaroon dn po ng tb...kaya po hnd siya makakuha ng trabaho....sabi niya po kasi tatay siya ng bata at kasal sila ng ate kong namatay,kaya po sa batas daw po mapupunta yung bata sa kanya dahil daw po tatay siya. sugarol din po yung tatay ng bata.
ano po ang laban namin kung sakali pong kunin yung bata?
may karapatan po ba kami sa bata?
ano po yung laban po namin kung sakali pong hindi namin ibigay yung bata sa ama?
Last edited by megek on Sat Jan 31, 2015 9:41 am; edited 1 time in total (Reason for editing : nagdagdag ng information)