good day,ask lang po ako what to do. bago po ako umalis papunta ng ibang bansa,ipinakasal po ako ng parents ko sa babae na naging gf ko dahil po nagkaroon kami ng anak, pero never po kami nagsama, dinadalaw ko po ang anak ko dati every weekend para magbigay din ng sustento. nagpatawag po sila ng isang nagkakasal from cityhall, wala po kaming mga dokumento pero ang sabi nung lalaki ay siya na daw po ang bahala sa mga papeles. ayaw po pumayag ng babae na hindi ako pumirma, wala din pong ceremony na nangyari. kinabukasan po nakaalis na ako papuntang ibang bansa. sa ngayon po hindi na kami nag-uusap ng nanay ng anak ko, pero nagbibigay pa din po ako ng sustento sa anak ko. ngayon po chineck ko po yung record ko sa NSO nakapasok na yung kasal namin. maaari ko po bang ipawalang bisa yung kasal namin since wala po kaming mga dokumento o papeles nung araw na iyon? ano pong maaari kong gawin?
April 15, 2013 nangyari po yung pirmahan ng mga papers
April.16, 2013 nasa ibang bansa na po ako
April.19, 2013 po yung nakita kong date na naka-record sa NSO na naiksal ako..
Thank you
Last edited by ely16 on Sun Mar 20, 2016 8:58 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : Correction)