Ang problem ko po is yung isang owner ng bahay (yung husband)..kasi yung land lady po namin ang humahawak sa mga umuupa..separated po sila (not legally)...nakatira lang po sa may tapat ng bahay..parang maliit na apartment nakapartition lng sa main house...2 rooms sa 1st floor..skn ung isa sa room sa baba...ung husband kasama nya mistress nya at ung anak ng mistress nya sa ibang guy ..feeling ko po kasi ung mga kasama nya ung nagrereklamo talaga...ang nirereklamo nya po eh mabaho daw at maingay mga aso ko..pero kapag tinatanong ko mga kasama ko sa bahay kahit ung nsa isa pang room sa baba eh di naman daw...wala pong outdoor area na kahit konti sa bahay kaya nasa lood ng bahay ang mga aso dito..ang feeling ko po ang mabaho talaga eh ung basurahan..kasi andun sa may gate or entrance iniipon ung basura ng lahat ng borders..tapos daily naman kinukuha ng basurero kapag dumadaan sa brgy namin (minsan kasi wala dumadaan)..eh sakto po ung ipunan namin eh katabi ng tinitirahan nila (may window)..parang nagrereklamo na po ata sya sa mga tuta ko sa brgy namin kasi may nakapagsabi na po sakin (pero wala po naniniwala sa ka niya dahil nakita ng mga neighbors ko kung gaano kalinis ang mga aso ko at may reputation na po s'ya na bungangero pero wala naman utak)...
Mga tanong ko po:
1. Ano po pwede nya ireklamo sakin kahit responsible owner naman po ako at di naman po sa dogs ko galing ang baho? (saan ka po makakakita ng basurahan na mabango)
2. Ano po pwede ko ireklamo sa kanya?
-Reason 1 (noise pollution):
Kasi sa halos 4 yrs ko nangungupahan lagi po sya nagbubunganga sa land lady namin na maririnig ng buong bahay pati ng kapit bahay..minsan pabalik balik pa s'ya (Kahapon lang naka 3 times s'ya magbunganga doon)...may mga bata po dito sa bahay kasama na 2 years old na anak ko...baka magkatrauma po anak ko pati ibang bata..so far di po napapansin pa ng anak ko dahil nilalaksan ko ng konti ung movies na pinapanuod namin para di nya marinig..may baby din dito samin malapit mag 1 year old..nagigising sa pagbubunganga nya...wala po ba batas o kahit anong pwedeng ireklamo sa kanya
-Reason 2:
Mga 2012 or early 2013, may dog din po kasi sya at dito pa sila sa isang bubong nakatira (separate rooms: Ung husband at mistress then ung Wife at legal children), nakatali lng ung dog in-front of my room..doon dumudumi at umiihi..dinadaandaanan n'ya lang minsan natatapakan pa n'ya yung mga tae..kung hindi pa ung isang umuupa dati ang maglilinis eh andun na lng un..nanganak din po kasi dog nya (pina-stud nya para pagakakitaan) nung nanganak dog nya wala man lng sya kahit ano kaya nung nakita ko nanganganak na aso nya..pinasok ko sa naliitan na kulungan nung dog ko..na nasira n'ya kinalaunan (di nko naghabol sa kanya dun)..tapos binilhan nya ng kulungan dog at puppies nya...sa tapat pa rin ng room ko..di po nya nililinis kahit kailan ung kulungan..kung di ko lng nilinis two weeks ago andun pa ung mga naging lupa na na tae at ihi (From all those years ago)..at pinatupi nya sakin ung kulungan twice pa nya sinabi on different occassions..tapos wala daw s'ya sinasabi sakin.. 1 month pa lng yung puppies pinaadopt n'ya na agad para maging pera na agad..relieve na din sakin kahit papaano kasi nakakaawa na ung mga puppies..babad sa ihi at tae kaya ayun may patches na wala nang balahibo..eh ang baho po ng kulungan na un..hanggang nga po sa maging lupa na mga tae at natuyo mga ihi. di ko po s'ya nireklamo noon dahil ayaw ko ng gulo. Maayos na din naman po kasi ung dog n'ya ngayon kasi inalagaan na lang ng land lady ayaw ng anak ni mistress sa dogs kaya naiwan sa part ng bahay namin kahit usapan nila noon dapat kasama un kasi ang dumi nga ng dog na un)
Alam ko po konting tiis na lang po kasi mawawala na po ung mga 3 puppies. Yung isa ngayon na po kukunin. Naiistress lang po kasi ako sa kanya dahil ilang beses na po s'ya atat ipamigay tuta ko. Buntis po ako (almost 6 months na) kami lang ng anak ko (wala si bf nasa ibang lugar nagwowork) pero nagagawa ko pa din ng maayos pag-aalaga ko sa mga aso ko tapos magrereklamo s'ya ng ganun.