Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

asking for help and advise

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1asking for help and advise Empty asking for help and advise Fri Feb 19, 2016 10:15 pm

maryrl


Arresto Menor

Good day!
ako po ay isang single mother of two kids. Magkaiba po sila ng tatay. Ung panganay ko pong anak ay sinusuportahan ng kanyang ama, pero po itong bunso ko ay wlang natatangap kht na magkanu galing sa knyang tatay.
10mos old na po sya ngaun. At tanging nanay ko lng po ang sumusuporta sa anak ko.saakin po naka ipelido ang bata.
ang tatay po ng anak ko ay mai asawa at dalawang anak..kasal din po sila.
wala po akng trabaho.,nakikitira lng din po ako sa tsahin ko.
sa twing hihingi po ako ng pera pang bili ng gatas ng bata.. Ang lging cnasbi po nya skin ay nasa asawa po nya ang pera nya at malabong bgyan daw po ang anak ko.
tinatakot din po ako ng asawa nya na guguluhin at idedemanda daw po nya ako.
maaari ko po bng talagang ipag laban ang karapatan ng anak ko sa suporta galing sa kanyang ama? Mai mga kaso din po ba talagang maikakaso skin ang asawa nya?
salamat po!

2asking for help and advise Empty Re: asking for help and advise Fri Feb 19, 2016 11:42 pm

marlo


Reclusion Perpetua


Makipag sangguni ka siguro sa PAO office na malapit sa inyong lugar para maipaglaban mo ang karapatan ng bata na makatanggap ng sustento galing sa kanyang ama. Obligasyon ng ama niya ang magbigay ng financial para sa bata. Kung hindi siya makakapagbigay, at kung ito ay kaya mong patunayan sa korte, maari makulong sa hindi niya pagbigay ng suporta sa bata. Kumonsulta ka sa abogado sa PAO office para ikaw ay matulungan ng abogado na maipaglaban ang karapatan ng bata.

Ang sustento ay para sa edukasyon, tirahan, damit, gamot, pagkain ng bata. Ihanda mo din ang listahan mo para sa pangangailangan ng bata pagka naka abot na kayo sa korte. Maiaabiso sa iyo na makakuha ng trabaho para din sa ikakabuti sa paglaki ng bata.

Kung hindi ka naman nanggugulo sa pamilya ng ama ng bata kasama na ang asawa, at hindi ka nakikipagkita sa paraang eskandalo sa ama ng bata, eh wala namang maikakaso sa iyo.

3asking for help and advise Empty thank u Sat Feb 20, 2016 7:04 am

maryrl


Arresto Menor

Maraming salamat po, ang pao ofc po b ay walang byad?

4asking for help and advise Empty Re: asking for help and advise Sat Feb 20, 2016 4:28 pm

marlo


Reclusion Perpetua


Sa pagdulog mo sa PAO ofc ay maabisuhan ka nila ng requirements para malamang ikaw ay indigent at para malaman kung ikaw ay mabibigyan ng libreng abogado. Sa pagdulog mo, ikaw din ay makakatanggap ng abiso sa kanila kung paano ang proseso at patakaran ng opisina.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum