Yung pang-5 po naming kapatid nagloan sa opisina nila. Para po makapag-loan sya, kailangan nya po ng pang-collateral. So ang ginamit nya pong pang-collateral yung titulo ng bahay at lupa na under sa pangalan ng mga magulang namin. Since that time e patay na yung nanay namin at si tatay nalang ang nabubuhay, pinapirma kaming magkakapatid sa special power of attorney. Nakiusap sya sa amin kasi kailangan nya daw po magloan. Kahit ayaw ng iba sa aking mga kapatid, wala po kaming nagawa kundi pumayag nalang para matulungan din sya.
Ngayon po, makalipas ang ilang taon, wala na yung tatay namin. At yung kapatid namin na nag-loan e pinapalayas na kami sa bahay dahil sa kanya na daw po itong bahay at lupa dahil sa spa na pinirmahan namin dati. Hindi narin namin matandaan nakalagay dun sa spa na yun dahil sa tagal na ng panahon at hindi namin naisip na one day e lolokohin kami mismo ng aming kapatid. Humuhingi kami ng kopya ng titulo at ng spa pero wala po syang maibigay. Ngayon po pina-baranggay pa nya kami kasi ayaw namin umalis sa bahay. Bakit kami aalis, e pagmamay-ari din naman namin yung bahay? Wala pong nagawang last will and testament si tatay dahil biglaan din po pagkamatay nya. Sinisiraan nya rin po kami sa mga kamag-anak namin kesyo kami daw po yung umaasa at sya daw po nagpapakain sa amin, which is not true kasi may trabaho naman po kaming mag-asawa. Sya nga po yung hindi nagbabayad ng bills sa bahay kesyo wala daw syang pera at marami syang gastusin.
Sana po matulungan nyo kami ano pong mga legal na hakbang ang pwede naming gawin at kung may laban pa po ba talaga ako sa paghahabol sa karapatan ko dito sa bahay. Ano din po yung pwede kong maikaso sa kanya sa pagkakalat nya ng mga maling balita sa iba naming kamag-anam. Salamat po sa inyo.