hello po, help! may naiwang lupa ang lola ko para sa kanyang mga anak. nasukat na ito para paghati-hatian ng magkakapatid (isa rito ang aking nanay). sa pitong magkakapatid, nagtataka kami dahil isa lang ang nakapagpatitulo 'yung anim wala. posible ba ito gayong isang buong lupa 'yung hinati? paano sila nakapagtitulo na hindi kasama ang ibang magkakapatid? posible kayang tinatago nila ang titulo? o, may hindi kami nagawa na dapat gawin kaya di kami natituluhan? ano ang dapat kong gawin upang malaman kung ano ang katotohanan sa mga pangyayari? salamat po.
Free Legal Advice Philippines