We have recently meeting with HR manager at sa mga Managers namin to address yung mga questions namin. I remember may nagtanong ba kung may redundancy pay bang I-ooffer, Management said na nde nila tinitingnan ung option na yun kasi confident sila na made-deploy kami sa new department/ work namin.
Naitanong din during discussion was, "paano kung wala pa ding mahanap ang isang employee ng gusto nilang work and HR said na pag may vacant sa ibang team sa original department namin doon daw kami I-deploy. (FYI, sa department namin kasi ay may almost 6 different teams with different process) Eh ang problema is ayaw ko na sa department namin kaya tumitingin ako sa ibang department pra sa ibang process at career growth.
HR manager also told us na, pag nagka vacant sa ibang team within our department eh hinde na daw iooffer yung work samin, kundi assignment na agad (meaning ala ng chance tumanggi)
Yesterday, pinatawag ako ng isang Senior Team Manager at kinausap ako na may bakante daw sa isang team sa department namin, at sinabi nya sakin na iassign daw ako dun, (ayoko na kasi sa department namin at kino-consider ko ang ibang department) at ini-insist nia na assignment un at nde offer (meaning wala akong karapatang tumanggi) sinabi ko sa kanya na ayaw ko na tlga sa department nmin at nde ako makakapag perform ng maayos kc hindi ko din kc linya ung ina-assign na work
Question ko po..
1.) May legal ba po bang basehan kong tatanggihan ko yung assignment na sinasabi sakin ng Senior Team Manager? na in the first place, nde nman nmin ginusto madissolve yung team nmin at mawalan ng trabaho (floating)?
2.) Legal po ba yung action na gagawin ng management na ilagay kami sa new team na nde namin gusto? (not aligned with my career at experience) na alam ko na nde ako mag eexcel.
3.) Ano po ba ang mga karapatan ko na dapat kong ipaglaban?
Need your Legal Advice.. thanks po.