Taong 2006 nang ako ay unang nag request nito sapagkat requirements sa pagpapakasal, same BC rin na ginamit ko noong nag apply naman ako ng Phil. Passport taong 2008.
Sa aking BC, ang aking birthplace ay sa Barugo, Leyte which is tama naman pero recently lang...1st week ng Feb.2016 nag request uli ako ng panibago (thru online dahil busy na rin) na akin uling gagamitin for abroad. This time ang aking b.place ay sa Gracepark, Caloocan na and may kasama ng pahina ng AFFIDAVIT OF DELAYED REGISTRATION OF BIRTH dated May 23, 1986 which is 7 years difference from my Date of Birth.
Ano ho ba nararapat kong gawin sapagkat ito ho ay magdudulot ng posibilidad na di ako makabyahe sa bansang aking ninanais na pagtrabahuan dahil isa sa requirements ng mga employer na dapat "hindi late registered"?
Maraming salamat ho at Nawa'y matulungan nyo ako sa aking hinaing.