Need your help po. Yung partner ko po ehh na offload papuntang malaysia para magtrabaho doon, yung tao po na pinag applyan nila is legit daw, tapos nung paalis na sila ng pinas at nasa airport na, nahuli sila at na offload, pinasuot daw po sila ng uniform ng PWU na tourism student sila, and hinuli sila sa airport at dinala agad sa nbi for investigation. November 2013 pa po sila nahuli, and untill now po, wala po nagkakaso sa kanila kahit yng ginamit na school nung employer nila. Gusto na po ulit mag abroad nung partner ko kase hirap na sa buhay, at may 2 na kaming anak ngayon. Nasa watch list pa din daw po yung name nya untill now, palagi nya po kino-contact yung pulis na humuli sa kanila at yung nbi agent na may hawak sa kaso nila para i-follow up yung passport nila na naka hold sa nbi. Sabi daw po nung agent, ihohold daw po yung passport untill may magkaso sa kanila,may sinampa na daw pong kaso ang nbi laban sa kanila pero kahit isang hearing walang nangyare. Ano po pwedeng gawin dito para makuha yung passport nung partner ko?
Free Legal Advice Philippines