Gusto ko lang po malaman kung pwede ko ba kasuhan yung previous company namin na kinaltasan ako ng para sa headset kahit naibalik ko naman? naibalik ko kasi sya after 5days ng separation date ko, eh policy daw nila na no more than 2days ang submission ng headset kapag naterminate ka or nagresign.
Isa pa po sa concern ko is naterminate kasi ako dahil nagka UTI ako, may policy kasi sila na maximum of 8hrs lost shift lang ang tolerable pag nasa training ka pa, eh nagkasakit ako ng UTI, may med cert ako pero hindi nila i-honor kasi nga daw hind daw sya same date nung nagkasakit ako. Parang 21st ako nagkasakit at nagpacheck up, tapos 24th ng buwan ako naterminate, so hindi pa din daw valid yun. Nakipagpalitan ako ng e-mail sa kanila pero policy daw yun at yun daw ang sagot ng IT Director. Saan ko po sila kakasuhan at anong kaso po?