Ganito po yung situation ko: Nagbigay ako ng P68,200 in total dun sa taong supposedly tutulong saken para makapunta ako ng Qatar. September pa po yun, until now wala pa rin and though nagrereply sa mga messages ko yung tao, lahat ng sinasabi nya puro excuses na kesyo may family problem sya na kelangan i-settle.
Now, wala po kami written contract pero maraming nakakaalam dun sa transaction namin. I also have receipts of bank transactions and copy of messages naming dalawa.
I just wanna kung may legal claim ako and anu po ba dapat yung first step na gawin ko kasi iniiwasan nya ako makausap ng personal.
Thanks a lot. More Power!