I just want to ask lang po regarding sa property inheritance. Wala na po yung lolo at lola ko. Nakapangalan po sa lola ko yung titulo ng lupa. Meron silang mga anak (isa na dun yung nanay ko) pero ang buhay na lang po sa magkakapatid ay yung nanay ko. May mga anak din po yung kapatid ng nanay ko. And dilemma ay may second wife yung lolo ko.
Ang tanong ko po ay may rights po ba sa property yung 2nd wife ng lolo ko kahit sa lola ko nakapangalan yung lupa? Sino po ang magmamana?
Maraming salamat po