Hihingi ako ng advise regarding sa utang na ayaw ng bayaran. Ginamit niya ung credit card ng anak ko pambili ng cp niya year 2009. nagbabayad siya pero hindi umaabot sa minimum due. lumobo ang bayarin kasama mga interest. humiram siya ulit sa sa akin ng P25,000 para bayaran ang credit card ng anak ko gamit ang cooperatiba na nakapangalan sa akin noong nov. 2009. nangakong magbabayad ng p1,500.00 para sa monthly fee. nang maghiwalay sila hindi na siya nagbayad muli. ni makipagusap sa amin hindi narin. nagusap sila ng anak ko noong sept 2010 nagbigay siya ng paunang bayad ng p3,000.00, noong oct 2010 p1,500.00 at etong huli nov 2010 p1,000.00, eto na raw ang huli niyang bayad sa amin. sinabihan narin namin ang parents niya at opisina regarding this matter. paano namin siya masisingil at ano ang dapat naming gawin dito? pwede ba namin siya sampahan ng kaso? at anong kaso? alam namin saan nakatira, contact no. at opisina. sana matulungan mo kami. salamat. lubos na gumagalang shonen.knife