Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NEED LEGAL ADVICE RE : BUILDING PERMIT

Go down  Message [Page 1 of 1]

1NEED LEGAL ADVICE RE : BUILDING PERMIT Empty NEED LEGAL ADVICE RE : BUILDING PERMIT Fri Jan 08, 2016 1:46 pm

L.G.


Arresto Menor

Good day,

Ito po ang aming sitwasyon, noong August, 2014 nagpagawa ng bahay ang pinsan ko na walang building permit, dahil 3 storey ang kanyang pinagawa ito ay aming pinakiusapan na kung pwede ay babaan lamang dahil 28 sq. m. lang ang sakop ng kanyang tinayuan baka delikado, pero imbes na makipag usap ay agad niyang dinala ang usapin sa abogado, ng dahil dun kami ay sumangguni sa Brgy. para pansamantalang ihinto ang paggawa hanggat di niya naaayos ang kanyang permit, ng dahil sa aming reklamo siya ay nagpapirma ng plano sa isang Engineer na kakilala ng aming Pamilya, dahil kakilala ang aming pamilya ito ay pinirmahan ng nasabing Engr. kahit ito ay hindi niya nainspeksyon. sa makatwid nabigyan ito ng building permit ng munisipyo.

Kami ay lumapit sa Mun. ENgr. upang ireklamo ang nasabing pagpapatayo, sila ay kumilos at agad binigyan ng notice to stop noong Dec. 2014.
pero sa kabila ng notice na ito ay muling pinagpatuloy ang paggawa sa nasabing 3 storey house, nitong Dec. 2015 muli kaming lumapit sa Mun. Engr. dahil ayaw makialam ang aming Brgy. kahit, nag issue ng bagong notice ang Mun. Engr. nitong Jan. 04, 2016 ito ay muling nilabag ng aking pinsan hindi talaga siya tumigil hanggat di natatapos ang kanyang bahay, ang sabi niya sa Mun. Engr. ang korte lamang ang pwede magpahinto sa kanya, tama po ba yun?. At ang sabi pa ay magdemandahan na lang daw kami. Pati ang Mun. Engr. ay ganun din ang payo sa amin. Ang punto po namin sila ang nagbigay ng notice to stop, bakit hindi nila mapatigil ito. Ayon po sa National Building Code kailangan po ang titulo na nakapangalan sa yo bago ka makakuha ng Building Permit, ito ang wala sa pinsan ko dahil ang mga lolo pa namin ang siyang nakapangalan sa titulo, at ang nakapagtataka pa ang sabi ng Mun. Engr. hindi kailangan ang titulo para ikaw ay makapag apply ng Building permit, again tama po ba yun?

Ang aming pong katanungan ay ano po ba ang maari namin gawing hakbang upang ipatigil pansamantala ang kanyang pinapagawa hanggat hindi pa nahahati sa aming mga ama ang lupa na kanyang pinapatayuan ng bahay, Only Court will stop her according to her, pero mahabang proseso pa ho iyon baka tapos na ang bahay bago kami makakuha ng desisyon ng korte.

Sana po kami ay inyong pagpayuhan.

Maraming salamat po.

Gumagalang.

LG

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum