Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Annulment case or legal separation

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Annulment case or legal separation Empty Annulment case or legal separation Thu Jan 07, 2016 1:50 am

Mao


Arresto Menor

Hi gud day married po pero 2yrs lang po kame nag sama ng asawa ko sa ngayun po 5 yrs na kaming hiwalay , nabuntis ko po ung kinakasama ko , anu po ang pinaka magandang gawin

2Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Thu Jan 07, 2016 2:06 am

Mao


Arresto Menor

Need advice po

3Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Thu Jan 07, 2016 5:42 pm

marlo


Reclusion Perpetua

Mao wrote:Hi gud day  married po  pero  2yrs lang po kame nag sama ng asawa ko sa ngayun po 5 yrs na kaming hiwalay ,  nabuntis ko po ung kinakasama ko , anu po ang pinaka magandang gawin

Gawin saan? Ano ba ang gusto mong mangyari?

4Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Thu Jan 07, 2016 7:11 pm

Mao


Arresto Menor

Gusto ko po sana mag sama ka me ng kinakasama ko , ng walang inaalalang ikakaso samin ang dati kong asawa anu po ba ang pinaka magandang gawin para maging maayos po ang lahat

5Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 1:09 am

marlo


Reclusion Perpetua


Marriage annulment siguro kung may valid ground ka. Magastos. Kailangan mo ng abogado para makuha mo ang legal advise.

Base sa salaysay mo, maari at posible kang makasuhan ng asawa mo kasama ng sapat na ebidensya laban sa iyo kung ito ay kaya niyang patunayan sa court. GL

6Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 1:16 am

Mao


Arresto Menor

Pero kung di naman po magsasampa ng case laban sakin ang dati kong asawa wala po akong magiging pananagutan sa batas ganun din ang aking kina kasama tama po ba

7Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 1:17 am

Mao


Arresto Menor

Sapat bang ebidensya ang birtth certificate ng bata na ipinangalan sakin at permado ko?

8Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 1:45 am

marlo


Reclusion Perpetua

Mao wrote:Pero kung di naman po magsasampa ng case laban sakin ang dati kong asawa wala po akong magiging pananagutan sa batas ganun din ang aking kina kasama tama po ba

Pa alala lang po, ang legal na asawa mo ay siyang legal sa maraming bagay bagay. Nasasakop nito ang mga pinagpapawisan mo, ari arian mo sa panahong nagka bisa ang inyong kasal at hanggat may bisa pa ito.

Ano man ang mangyari sa pagitan at huli, magkaroon ka man ng napakaraming anak sa bago mong kinakasama, o maraming lupain at bahay o di kaya tumama sa lotto, SSS at PAGIBIG mo, etc etc ang tunay na asawa mo ang mananaig kontra sa kinakasama mo pagka dumating na ang habulan o aberya.

Sa katagalan man ng buhay hanggang kamatayan kasama na ang labi mo kung mangyari man, wala o merun man siya ikaso sa iyo ngayon, siya pa rin ay may automatic na may karapatan o habol base sa batas natin at base sa salaysay mo.

Kung wala namang ikinasong pangaabuso, bigamy at concubinage laban sa iyo ang tunay, wala ka dapat alalahanin, sa ngayon.

9Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 1:49 am

Mao


Arresto Menor

Maraming salamat po sa pag tugon saking mga katanungan , pero sa sitwasyon ko po ngayun anu po pinaka mahusay kung dapat gawin , dapat ko po bang kausapin ang dati kong asawa at magkaroon kame ng kasunduan sa mga bagay bagay

10Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 2:20 am

marlo


Reclusion Perpetua

Mao wrote:Maraming salamat po sa pag tugon saking mga katanungan , pero sa sitwasyon ko po ngayun anu po pinaka mahusay kung dapat gawin , dapat ko po bang kausapin ang dati kong asawa at magkaroon kame ng kasunduan sa mga bagay bagay

Hindi na kita masasagot diyan ser. Kanya kanya na yan.

Kung kaya naman ng bulsa, marriage annulment ang ipursige mo. Usisain mong mabuti ang detalye ng araw ng kasal mo, marriage cert mo, marriage license, yung nagkasal sa inyo, mga edad ninyo noong ikinasal etc etc baka sakaling may masilip kang valid ground para sa marriage annulment o nullity of marriage.

Kung hindi man, legal separation thru court ay maari mo ding ipursige. Kakailanganin mo ang abogado alin man sa tatlo.

Higit sa lahat ser, importante ang peace of mind sa iyo at bago mong kinakasama. Nasa sa iyo na kung paano mo tatahakin ang mga bukas. GL

11Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 2:23 am

Mao


Arresto Menor

Pwede nya po ba akong kasuhan ng cuncubinage kahit nakapag file na ko ng annullment

12Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 2:42 am

marlo


Reclusion Perpetua


Kung sakali man, karapatan ng asawa mo ang mag file nag concubinage kung may bisa pa ang kasal ninyo o hindi pa kayo legally annuled o walang pa resulta ng annulment case mo. Hindi requisite yung filed annulment case sa concubinage case. Base lang sa memorya ko iyan, maaring mali ako dito pero iyun ang pagkatanda ko sa isang case na hinawakan ng SC, hanapin ko kung makita ko sya ulet... ang punot dulo nun eh nagawa na ang sala bago pa man na pawalang bisa ang kasal.


13Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 2:47 am

Mao


Arresto Menor

kung may property po akong binili at nakapangalan sa kinakasama ko wala pong magging habol dun ang dati kong asawa tama po ba?

14Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 2:49 am

Mao


Arresto Menor

Marami pong sallamat sa oras at pag sagot sa mga katanungan ko napaka laking tulong na po ito lalo na sa mga katulad kong walang kakayahang mag bayad ng abogado more power and god bless

15Annulment case or legal separation Empty Re: Annulment case or legal separation Fri Jan 08, 2016 3:04 am

marlo


Reclusion Perpetua

Mao wrote:kung may property po akong binili at nakapangalan sa kinakasama ko wala pong magging habol dun ang dati kong asawa tama po ba?

Kung nanaisin mo, maaring lagay mo sa kontroladong circle ang mga bagay bagay na dapat mong panatilihing naka lihim lamang sa iyo o inyo ng kinakasama mo, mapa tao, papel o o resibo. Wink

Sa suma tutal siguro maaring iwasang mapatunayan ng kabilang partido na may isang kusing na galing sa pawis o trabaho mo sa mga ipinipundar mo Wink

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum