Hello po atty,meron po sana ako ikunsulta sa inyo about po dun sa mga tao na ng file ng case against me na estafa at illegal recruiter.Residence po kase ako dito sa Netherlands.Mga kaibigan po ng father ko ay lumapit sa amin para humingi ng tulong na mag garanty ako or mag invite sa kanila papunta po dito for tourist.Nagkaroon po ng kasunduan na babayaran nila ung mga papers na pinadala ko sa knila pero sinabe ko po sa kanila na wala po assurance na granted ang visa that was more than 5 years ago na po tong story na eto.Ganun nga po nangyare na hindi nga na granted ang kanilang visa at ngaun po ay nag hahabol po sila dun sa ibinayad nila para dun sa pag process ng papeles nila na hindi na aprubahan.Gusto po nila ako magbayad pabalik sa knila at hindi ko nga po un naasikaso yung sinisingil nila kase naman po ay nagksakit po ako ng depression at natigil sa pag tatrabaho dto sa abroad.Last year po ay naktangap ang parents ko ng warrant of arrest at may kaso ako na estafa at illegal recruiter.At nkaraan po may dumating po sa barangay na warrant of arrest po ulet dun sa barangay kung saan po nakatira ang mga parents ko.Hindi po iyun tinangap ng barangay kase hindi naman daw po ako nakatira duon.Atty, may plano po kase ako umuwe ngaun year para po mag pagamot sa sakit ko ang kinakatakot ko po ngaun at d makatulog sa kakaisip ay baka po ako ay nka hold sa immigration dahil po sa kaso na file nila.Hindi po ako pwede hindi babalik dito kase po ang mga anak ko po dito na maiiwan ay wlang mag aasikaso po.Atty, nangangamba po ako ano po ba ang dapat ko gawen para malaman kung may hold departure po ako kung sakali po ganun ano po ang pwede ko gawen para makabalik dito?Tama po ba na ganun ang sinampa nilang kaso para saakin.Need your advice po atty sana po ako ay inyong matulungan.Maraming salamat po.