Nangupahan ako sa isang unit, nagsimula noon June 8, 2015. At ang renta nito ay nasa 30K, for both ground floor and 2nd floor (Up and Down ang unit).
Ang terms ng aking contract ay 6 months, renewable. At nakasaad sa contract na ang deposit ko non-refundable consumable after 6 months.
Now bayad po ako hanggang December 8, 2010. At wala namang violation sa agreement. And I had a good relationship with the Sublessor.
But early October, 2015, naglabas ng notice ang owner na hanggang December 31, 2015 na lang ang lahat ng tenant dahil ito nga ay ipinagbili na sa isang developer. Yung buong compound, kasama na yung unit namin.
Ngunit itong notice na ito ay tinago sa akin ng aking sublesser. Kayat ang buong akala ko ay talagang matagal pa kami at di kami kasama doon sa mga for closure na na unit. At nakasaad doon na ang December ay "free rent" na to give way for ejection. At sinasabi rin ng aking sublessor na hindi kami kasama doon sa letter na iyon at ejection period na iyon.
So December, 8, 2015 nagbayad ako ng renta ko na 30K at naideposit ko na sa banko ng sublessor. But after a few hours nakausap ko yung pinaka may-ari ng unit. At kinonfirm ko kung hanggang kailan na lang kami. At sinabi niya nga na hanggang end of Feb. Dahil nagbigay siya ng extension na two months doon sa notice na ibinigay niya. Binanggit ko nga rin sa kanya na wala kaming natatanggap na notice. At binanggit ko rin kung kasama kami doon sa free rent ng December, 2015. "Siyempre dahil kung hindi kami kasama eh hindi kami pinaaalis," ani ng may-ari.
So sinabi ko sa sublessor ko na hanggang feb na lang pala kami at kasama kami doon sa notice noong October. At tinanong ko rin kung bakit di kami binibigyan ng notice. At sabi naman niya eh iba ang sinabi sa akin nung may-ari. Hindi talaga raw kami kasama sa notice na iyon, sabi niya.
End po ng 6 months contract ko ang December 8 pero may nalalabi pa po akong deposito na dapat iconsume ko ng one month pa. Now, nagbayad ako ng December 8 na para hanggang January 7, dahil nagsabi ako na mage-extend kami or magrerenew kami ng aming contract noong november pa. Dahil kailangang magbigay ako ng notice sa kanila 60 days before expiration ng contract.
Tanong ko lang, eh paano po itong case namin.
(1) Kasama po ba kami doon sa "free rent" na ibinigay ng may-ari sa mga tenant na aalis?
(2) Pwede ko po bang bawiin yung bayad ko sa December 8, 2015, and then magbabayad ako sa January 8, 2016 ng upa namin para sa hanggang February 8, 2016 kung di pa niya ako paaalisin ng tuluyan?
(3) Sinasabi ko sa sublessor ko na ibalik na lang yung bayad namin ng December, 2015 ngunit ayaw niyang pumayag dahil iba raw kami siya ang kausap ko at hindi kami direct sa may-ari. Tama po ba na magbayad ako ng upa for the month of December?
(4) At ang second option ko naman sa kanya ay kung hindi niya ibabalik, eh di na ako magbabayad ng upa sa January, dahil yung binayad ko ng December, which is supposedly free, eh gagamitin ko na lang sa January at yung deposit ko eh sa February.
Ano po yung tama kong gawin o maipapayo nyo sa akin.
Thanks and regards