Good day to you. I am saddened to hear your story, and I ardently wish that things will get better for you and your family from here on out.
I will do my best to answer your questions, but it is always best to seek the professional legal advice of a real lawyer.
1. Yung affair ng asawa mo was consummated PRIOR to your marriage, if I understood your story correctly. As such, events prior to the marriage cannot be used against sa current marriage nyo. Maraming kaso na dinesisyonan ng Supreme Court ang nag-eestablish nito.
2. Isa sa mga fundamental na karapatan ng isang bata ay makakuha ng sustento sa mga magulang nya, at di kailangan ng kasunduan para ma-enforce ang karapatan nya na ito na nasa ating batas. Ang mapag-uusapan lang siguro ay yung amount ng sustento na binibigay nya sa bata, lalo na't maraming factors ang nakaka-apekto sa financial stability ng isang pamilya.
Dun sa kasunduan, meron bang nakasaad na petsa kung kailan matatapos ang kasunduan na ito? Kung meron, yung petsa na yun ang tamang panahon kung kailan pwedeng mapag-usapan ang mga halaga ng sustento na nabibigay nya sa bata. Pero hindi nya pwedeng bawiin yung sustento, kasi karapatan talaga ng bata iyon.
3. Hindi ako pamilyar sa rules and regulations sa pagiging pulis, kaya di ko ito masasagot para sa iyo. Nararapat siguro na hanapin nyo yung rules and regulations ng PNP, or baka naman may mga handbook yung mga pulis na nakasaad dun yung mga latest rules regarding sa pagiging pulis and kung ano yung grounds para matanggal sa serbisyo.
Pwede rin kayong mag-undergo ng DNA testing para malaman kung yung asawa mo ba ay ang tunay na tatay nung bata. Pero sa pagkakaalam ko, may pagkamahal yung pagtetest ng paternity ng iyong asawa.
Good luck sa sitwasyon nyo. Sana ay masolusyonan ito sa tamang pamamaraan.