Ung mister ko po may anak sa ex nya 6 years old na sya ngayon, personal nya dinadala un suporta nya sa bata kaya wala po sya ebidensya na nagbibigay sya. nagdedemand po kasi un ex nya na magbigay ng malaki, eh 10,000.00 lang naman po sweldo nya kada buwan. may anak na din kami ngayon na sinusuportahan.
sabi ng nanay ng ex nya un binibigay nya daw na suporta ginagamit nung ex nya sa boyfriend nya. hindi lahat napupunta sa anak nya. pag hindi po agad nakakabigay si mister nagagalit po ung ex nya, palagi sinasabi na hindi na nya makikita anak nya kahit kailan. pinagbawalan na din po sya na hiramin ung bata kahit ipasyal lang. pero kinukulit parin sya sa suporta.
ano po ba pwede naming gawin? may karapatan po ung mister ko sa anak nya, sa kanya din naka apelido. hindi din po maganda na nakikita ng bata na iba ibang lalaki ung dinadala ng nanay nya sa bahay nila. ung lola po nya ang madalas nagaalaga at nag aasikaso sa bata kasi ung nanay naga-out of town kasama ng mga kaibigan at boyfriend nya.
patulong po. mahirap po kasi kausapin ung babae. sarado po ang isip nya sa pag uusap ng maayos.
sana po matulungan nyo kami, salamat po.