dear atty or anyone na makatulong,
Ako po ay government employee,ang wife ko po ay isang public school teacher.May isang anak kami na 11 years old. Ang problema ko po ay ang wife ko ay may kabit na 22yrs old pa lang at iniwan nya kami last August 23 2015 at sumama sa kabit niya.Nag file na po ako nang administrative case sa division office last September before po siya officially lumipat sa ibang division pero within the same region. Nakahanap po kasi siya ng ka-swap. Hanggang ngayon po kasi walang man lang update kung ano ang nangyari sa complaint ko.. At sabi sa mga reliable sources ko po, nagsama na po sila ng iisang tirahan ng kabit niya. Ang tanong ko po, pwede ko nap o silang kasuhan ng adultery kahit walang actual proof of na nagtatalik sila? Ang alam ko lang po na nagsasama na silang dalawa sa iisang tirahan.At may mga pictures po ako na magkasama silang dalawa…Sana po may makatulong. Maraming salamat