Chera Sullano wrote:Maraming salamat po. Naliwanagan po ako sa sinabi nyo. Meron p po sna ako gusto itanong. Ano po b ang mga pwedeng dahilan para ndi po ibigay saken ang anak ko? Meron po kc kme plano bumuo n ng pamilya ng bf ko. Kung sakali po b mgkkaroon kme ng anak pede po b maging dahilan yon para ndi mapunta sa akin ang bata? Maraming slamat po.
Siguro mga sakit na hindi nagagamot at sobrang nakakahawa na maaring makaka apekto sa kalusugan ng bata, mga ugaling nagsasabing wala ka sa katinuan at normal na pagiisip, mga ugali o pamumuhay na makakadelikado sa buhay ng bata.. mga ganung dahilan o basehan humigit kumulang.
Kahit man nasa custody mo na ang bata, obligasyon ng ama ng bata ang patuloy na pagpapadala ng financial support para sa bata. Kung hindi magpadala ng sustento, maari mo syang kasuhan ng RA9262. Kulong. May bail.
May karapatan kang magasawa, kaya may karapatan kang bumuo ng pamilya mo at makasal.
Walang kinalaman ang bf mo sa anak mo, at sa issue ng full custody ng bata.
Kung kasal ka na sa bf mo, at gugustuhin ng bf mo na akuin ang obligasyon sa bata bilang ama at isunod ang apelyido ng bata sa apelyido ng asawa mo, kailangan ito dumaan sa tamang proseso at approval ng court, DSWD na may consent ng ama ng bata para magkaroon ng tamang proseso ng legitimate adoption.
Kung ayaw ibigay ang bata, at para mapunta sa iyo ang bata, kailangan mo ng abogado para makapagsampa ka ng petition ng full custody. Maari kang lumapit sa abogado o PAO na malapit sa kapitolyo o munisipyo ninyo para malaman ang mga legal advise at paraan ng pagpetition ng custody. GL