Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ATM WITHDRAWAL

Go down  Message [Page 1 of 1]

1ATM WITHDRAWAL Empty ATM WITHDRAWAL Mon Oct 19, 2015 3:50 pm

greenpotchie


Arresto Menor

Good day!

       Gusto ko lang po itanong kung may paraan pa po bang makuha ko ang pera ko. Ganito po ang nangyari:
Nung July 31, 2015 nagwithdraw po ako sa isang atm machine ng BDO Kalentong branch. May lumabas po na error s screen na "machine unable to dispense" dahil po sa pagmamadali kong makawithdraw ng pera na pang tuition ng anak ko, umalis na po ako at lumipat sa ibang atm. Pag check ko ng balance wala na ung 8,800 na winidraw ko..pumasok ako agad sa bangko at nireport. pinatawag po nila ko sa cust service dept para ireport ang nangyari. After ilang weeks sinabi nila na successful daw po ang naging withdrawal ko kahit wala akong nakuhang pera. Dahil wala kong withdrawal receipt humingi ulet ako ng re-investigation na gamit ang cctv camera. Nung nagpunta kmi sa branch sbi po nung supervisor nakita na daw po nila ung transaction s cctv at magantay nalang daw po kmi ng feedback..After 2 weeks ang sabi po nila e hindi daw nacapture ng mabuti ang muka ko kaya hindi mapatunayan na ako ang ngwithdraw. Huminhi na po ako ng tulong sa BAngko Sentral at ang sabi nila ayon daw sa kanilang imbestigasyon mula sa kuha ng cctv, lumabas ang pera nung nakaalis na ko kaya nakuha ng kasunod na atm user. Ang point ko po marunong naman po akong magbasa at makaintindi ng Ingles. Hindi naman po ako aalis kung hindi lumabas ang error msg na"unable to dispense" at hindi nman rin po ako aalis kung alam kong successful ung transaction at may lalabas na pera. Meron pa po ba kong magagawapara mabalik ang nawala kong pera dahil sa system error ng atm machine nila?

Thank you po in advance.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum