Hihingi po sana ako ng tulong.
Hiwalay po ako sa asawa since 2003, namatay po sya december 1, 2005. Wala po syang death certificate, kasi po iba ang middle name at last name na inilagay ng boyfriend nya sa death certificate. Ang sabi po ng local registrar sa kanilang lugar ay mag file daw po ako ng pressumptive date.
Saan po ako pwede magfile, mga magkano po magagastos at gaano po katagal ang kaso, gusto ko po sana magpakasal ngayong december. Sa Laguna po ako nakabase ngayon. Sa La Union po sya inilibing, sa Baguio po sya namatay, sa Dagupan, Pangasinan kami ikinasal.
Maraming salamat po sa inyong tulong.