Magandang araw po. Ako po ay nakabuntis, 21years old po kami ng ex-girlfriend ko. Nagkahiwalay po kami nung 4months napo siyang buntis. Ngaun po nagreklamo sila sa barangay at humihingi ng sustento para sa pangangailangan ng magiging anak ko. Nagkaroon po ng kasunduan, humingi ng kaukulang halaga na 4,000 ung nabuntis ko every month at nakasaad dn po sa kasunduan na ako lahat sasagot ng gastusin sa panganganak at sa pagkakasakit ng bata. Wala po akong trabaho, umaasa parin po ako sa aking ina, huli napo nung nakapag research ako tungkol sa ganitonh kaso na wala po palang kaukulang halaga sa pagsuporta sa bata. At dapat po diba hati kami ng ina sa gastos. Ang habol kolang po mabago sana ang kasunduan sa barangay level. Posible po ba un? Masgusto kopo maging legal lahat. Napirmahan kona po kasi ung barangay agreement na nakasulat lang po sa logbook nila. Nais kopong mabago ang kasunduan ayon sa kakayahn kong sumuporta sa bata. Salamat po
Free Legal Advice Philippines