Nangungupahan ang amo namin sa isang hotel ngunit malimit lang namin ito tirahan. Usually d2 ako naggagarahe ng motor, sa likod ng hotel pag umuuwi ako ng province, at ipinapaalam ko sa mga caretaker ng hotel. Dec. 2015 may nagsabi skn na bka mgsara na daw ang hotel dahil di ngreremit ng upa at di nkakabayad ng kuryente ng hotel ang pinagkatiwalaan ng management na isang koreano. Dec. 31, 2015 around 1am Nagpark ako sa hotel ngunit wala ng ilaw at wala na ding tao kc tiwala ako na di magagalaw ang motor ko sa hotel. January 5, 2016 ngbalik ako sa hotel upang kunin ang motor ko ngunit nakabarikada na ang gate at walang nkalagay na notice na sarado na ito. Sumampa ako sa bakod upang mkapasok sa compound at mkuha ang motor ko, ngunit nabigo ako dahil wala na ang motor kong nakalocked. Sinita ako ng may-ari ng katabing hotel at sinabi na trespassing daw ako. Duon ko n pgalaman na iisa lng ang may ari ng hotel nmin at katabing hotel. At kinuha daw ang motor ko dahil daw inakala nilang sa koreano ang motor kaya nila ito kinuha. Nangako nman ang may ari na ibabalik ang motor ko kinabukasan Jan. 6, 2016. Ngunit hapon ng Jan. 6 wala pa din ang motor ko. Jan. 7 wala daw ung kausap ko, Jan. 8 dumating daw ngunit tulog daw, Jan 9 umalis daw ulit. Jan 10 di padumadating. Jan 11 ngattempt ako mgpablotter sa station, ang problema di magawa ang blotter sapagkat ayaw ibigay ng mga empleyado ang identity ng amo nila. Anu po ba ang daoat kong gawin at proper filling para mapalitaw ko at mgkausap kmi ng kumuha ng motor ko. Salamat po..