Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password

You are not connected. Please login or register

SANA NAMAN PO MAY PUMANSIN, KAILANGANG KAILANGAN NAMIN NG SAGOT :(

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

jhobarloso

Arresto Menor

Magandang araw po. May concern po ako regarding sa lupa namin.

May bahay po kami, na-acquire ng parents ko after nila magpakasal. Nakapangalan ito sa papa ko. Namatay ang mama ko ng 12yr. old pa lang ako, dalawa po kaming magkapatid. Pagkatapos po ng isang taon, nag-asawa ulit ang papa ko pero hindi sila kasal. May mga hindi kami pagkakaunawaan ng papa ko so lumipat po ako sa lolo ko. Na katabi lang naman ng bahay nila.

Lately po, nagkakaroon ng problema sa bahay nila dahil isinangla po nung Stepmom ko yung part ng bahay na ibibigay sana sa akin na papa ko. Ang balak po nila ay isangla ulit ang part na yun sa mas malaking halaga para mabayaran nila at mapaalis yung unang pinagsanlaan. Nagdecide po akong makialam na.

Yung papa ko po ay kinausap ko, yamang may anak na ako, nagkasundo na kami. Kasama po ang kapatid ko at ilang saksi, pumirma po ng waiver of rights si Papa at naipanotaryo na po namin.

Na-stroke po ang papa ko, at dahil di na siya inaasikaso ng asawa niya nagdecide kami ng mga tito ko na kapatid na dalhin siya sa butuan para doon siya ipagamot at mababantayan pa ng mga kapatid niya.

Ipinabaranggay po kami ng asawa niya kahapon, dahil pinapaalis daw namin sila ng bahay. Papayag daw sila pero kailangan daw ay bigyan namin sila ng pera, ang term na gamit niya ay "sustento". Nagkaanak rin po kasi sila, 11 years old na ngayon, pero hindi naman nakapirma si Papa doon sa birth certificate nung bata.

Nung nakaraang buwan lang ay nakuha ni Papa ang retirement pay niya at nandun sa babae, wala na kapasidad ang papa ko magtrabaho dahil matanda na siya. Nung tinanong ang papa ko ng lupon kung kanino niya gusto ibigay ang lupa, sinabi niya na sa aming magkapatid lang, mga anak niya sa una niyang asawa, sa mama ko.

Second hearing na po namin sa thursday, may mga ilang bahay po akong gustong hingan ng second opinion.

1. Ano po ang maitutulong ng waiver of rigts sa amin? Pwede ba namin ito panghawakan? Pirmado niya po ito. At ang sinabi ng papa namin na gusto niya sa amin lang ang lupa?

2. Kung papayag naman kami sa kondisyon nung babae, na dapat bigyan siya ng sustento at aalis sila, ano po ang magiging mga posibleng mangyari dahil retired na po ang papa ko? Sinabi niya po sa lupon kahapon na pasusunurin niya sa Butuan ang bata dahil may babuyan naman sila doon. Plus the fact na, sila lang rin naman po ang nakinabang sa retirement pay at sa pera na pinagsanlaan nila ng bahay.

3. Pwede ba naming kwestyunin ang illegitimate filiation nung "anak" nila? Knowing the fact na, alam namin na marami na naging anak ang babae na ito at iba iba ang apelido. Hindi pirmado ni papa ang birth certificate ng bata at hindi rin siya kinilala sa civil registrars na anak niya. Pero kasama nila sa bahay.

4. Kinukwenstyon nila yung waiver of rights dahil wala raw po yung babae doon ng pinirmahan niya iyon, at hindi niya raw alam.

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

jhobarloso wrote:Magandang araw po. May concern po ako regarding sa lupa namin.

IMO, walang rights ang babae sa kahit anong properties na napundar ng parents mo bago mamatay ang mother mo. At tungkol naman sa mga properties na napundar from the day na nag-sama sila, kailangan nyang patunayan na may share siya sa pagpupundar nun para masabi niya na may karapatan siya. So kung pumirma ng waiver ang Father mo na hindi siya kaharap, it's none of her business.

Tungkol naman sa suntento dun sa anak nila; para makapag-demand ng sustento ang unang kailangang gawin ay mapatunayan na anak nga ng Father nyo ang bata, there are many possible way to do that.

marlo

Reclusion Perpetua

ang anak ng step mom mo ay magiging illegitimate child ng father mo kung mapatunayan ng step mom mo na anak iyun ng papa mo. ang pagsasama ng father mo at step mom mo ay malaking tulong o magbibigay daan para mapatunayang kinikilala ng ama mo ang kapatid mo sa labas.

kung sakaling mapatunayan ng step mom mo na anak ng papa mo ang illegitimate child, maari silang magkakaroon ng porsyento o hati ang illegitimate child sa legitimes o pamana o ari arian o property na ipinundar ng father mo.

walang karapatan ang asawa mo sa mga pamana ng father mo sa iyo o sa inyong magkakapatid.

walang karapatan ang late mom mo at step mom mo sa mga ari ariang pamana na natanggap ng father mo sa grandparents niya.

may karapatan ang legitimate child sa lahat ng naipundar ng mama mo noong nabubuhay pa sya. kasama dito ang ari arian o property.

Sponsored content

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum