Nagtatrabaho si papa. Isa siyang seaman. Every month naman may sustento kami galing sa kanya. Nung umuwi na ulit siya, iba na naman ang dala niyang babae. Hindi nalang ako umiimik dahil ayoko nang magwala. Idinaan ko nalang yung galit ko sa pag-sesend ng message sa mga ito. Ang sabi ko "huwag niyo naman sirain ang buhay ng aming pamilya. Alam ko lang naman ang habol niyo sa aking ama eh...Pera... Hindi kayo nararapat sa mudong ito.." 'yan ang nasabi ko noon. Wala eh, pakapalan ng mukha raw eh... Hindi parin tumitigil.
Ngayon lalong lumalala, hindi ko namang iniintindi yung pambabae niya eh. Pero yung pangengwenta niya ng kanyang pera sa aking lola hindi ko matiis kaya nga kanina sinabi ko sa kanya " Hindi mo ba alam bakit na-stroke si lolo. Dahil yun sa'yo, Sa inyo ng kapatid mong mga babaero. Wala kaming sustento ngayon galing sa kanya dahil umalis siya sa kumpanya na kanyang pinagtatrabahuan. Kakauwi lang niya nung namatay ang aking lolo. Hindi ko lang maintindihan bakit hinahanap niya palagi yung mga pinadala niya. Sabi niya magastos raw kami. Eh, anong gagawin namin sa pera tititigan. Kanina nanghihingi lang yun lola ko ng pangbayad namin dun sa school service namin pero nagwala siya bigla..wahhhhh..... Hindi ko na talaga maintindihan. Ano ba ang dapat gawin ko? Hindi naman pwedeng pabayaan ko nalang. Kung pwede nga ipakulong ko nalang sila ng mga girlfriend niya.
Please I want answers. Ano ba ang dapat gawin ko? Gumawa ng aksyon o pabayaan nalang ang mga nangyayari?