May bahay po kami, na-acquire ng parents ko after nila magpakasal. Nakapangalan ito sa papa ko. Namatay ang mama ko ng 12yr. old pa lang ako, dalawa po kaming magkapatid. Pagkatapos po ng isang taon, nag-asawa ulit ang papa ko pero hindi sila kasal. May mga hindi kami pagkakaunawaan ng papa ko so lumipat po ako sa lolo ko. Na katabi lang naman ng bahay nila.
Lately po, nagkakaroon ng problema sa bahay nila dahil isinangla po nung Stepmom ko yung part ng bahay na ibibigay sana sa akin na papa ko. Ang balak po nila ay isangla ulit ang part na yun sa mas malaking halaga para mabayaran nila at mapaalis yung unang pinagsanlaan. Nagdecide po akong makialam na.
Yung papa ko po ay kinausap ko, yamang may anak na ako, nagkasundo na kami. Kasama po ang kapatid ko at ilang saksi, pumirma po ng waiver of rights si Papa at naipanotaryo na po namin.
Na-stroke po ang papa ko, at dahil di na siya inaasikaso ng asawa niya nagdecide kami ng mga tito ko na kapatid na dalhin siya sa butuan para doon siya ipagamot at mababantayan pa ng mga kapatid niya.
Ipinabaranggay po kami ng asawa niya kahapon, dahil pinapaalis daw namin sila ng bahay. Papayag daw sila pero kailangan daw ay bigyan namin sila ng pera, ang term na gamit niya ay "sustento". Nagkaanak rin po kasi sila, 11 years old na ngayon, pero hindi naman nakapirma si Papa doon sa birth certificate nung bata.
Nung nakaraang buwan lang ay nakuha ni Papa ang retirement pay niya at nandun sa babae, wala na kapasidad ang papa ko magtrabaho dahil matanda na siya. Nung tinanong ang papa ko ng lupon kung kanino niya gusto ibigay ang lupa, sinabi niya na sa aming magkapatid lang, mga anak niya sa una niyang asawa, sa mama ko.
Second hearing na po namin sa thursday, may mga ilang bahay po akong gustong hingan ng second opinion.
1. Ano po ang maitutulong ng waiver of rigts sa amin? Pwede ba namin ito panghawakan? Pirmado niya po ito. At ang sinabi ng papa namin na gusto niya sa amin lang ang lupa?
2. Kung papayag naman kami sa kondisyon nung babae, na dapat bigyan siya ng sustento at aalis sila, ano po ang magiging mga posibleng mangyari dahil retired na po ang papa ko? Sinabi niya po sa lupon kahapon na pasusunurin niya sa Butuan ang bata dahil may babuyan naman sila doon. Plus the fact na, sila lang rin naman po ang nakinabang sa retirement pay at sa pera na pinagsanlaan nila ng bahay.
3. Pwede ba naming kwestyunin ang illegitimate filiation nung "anak" nila? Knowing the fact na, alam namin na marami na naging anak ang babae na ito at iba iba ang apelido. Hindi pirmado ni papa ang birth certificate ng bata at hindi rin siya kinilala sa civil registrars na anak niya. Pero kasama nila sa bahay.
4. Kinukwenstyon nila yung waiver of rights dahil wala raw po yung babae doon ng pinirmahan niya iyon, at hindi niya raw alam.