Magandang araw po sa lahat ng makakabasa at sana po ay matulungan nyo ako..
Ganito po ang pangyayari.. ang lolo at lola ko ay may rights sa hectarya ng lupang sinasaka nila. Nag ka anak sila ng anim, limang babae at bunsong lalake. sa pag lipas ng panahon namatay ang lolo ko. nag isang itinaguyod ng lola ko ang kanyang mga anak na ngayon lahat sila ay may pamilya na.
Ang nasabing lupa ay pinabungkal ng lola ko sa kanyang panganay na anak bilang tulong upang maitaguyod ang pamilya nya. (Hindi po Binigay pina bungkal lang) At alam po ng lahat na magkakapatid na ganun lang ang usapan. So lumipas po ang panahon sa tiwalang binigay sa panganay na anak nabaliwala ang natatanging inaasahan ng magkakapatid na mana.
Ang nasabing lupa ay nadesisyunan na ng may ari na ibenta. . (Taong kasalukuyan) nabigyan ng parte na 5milyon mula sa pinagbentahan ng lupa at napunta sa panganay na anak ng lola ko.
PROBLEMA: Ang problema po ay ganito.. nung hindi pa po nahahawakan ang pera mula sa partihan may usapan po ang magkakapatid na ang hatian ay 50% sa lola ko at 50% ay paghahatian ng 6 na magkakapatid. pero nung nahawakan na po ung pera nag iba ang lahat.binigyan ng 1 milyon lola ko at ang apat na milyon ay sinolo na ng panganay na anak ng lola ko.
DAHILAN NG GAHAMAN: Sila daw ang mas may karapatan dahil patay na raw ang lolo ko at sila nag nagbubungkal at nag babayad ng patubig (dapat naman bayaran dahil sila nakikinabang) at sabi daw ng DAR pag 5 taon na daw na sila na ang nagbubungkal sila na ang mas higit na may karapatan sa lupa.(buhay pa ang lola ko)
TANONG NG LIMA PANG MAGKAKAPATID :
1. Tama po ba ang sinasabi ng gahaman na dahilan ?
2. May karapatan ba ang magkakapatid sa partihan ?
3.Kahit po ba walang pahintulot ng lola ko ay kayang mapasakanila ang rights.(nakapangalan sa lolo ko) kahit alam naman po na iyon ay mana ng mga magkakapatid.
4. Kung mag aapela po ang magkakapatid may laban po ba sila or sadyang wala na.
KASALUKUYANG SITWASYON:
Sinibukan kausapin ng mag kakapatid ang kanilang panganay pero nagmamatigas ito wala na raw iba pang paghahatian.
May habol pa ba ang magkakapatid gayong inangkin na ang nasabi pag hahatian.
Ano po ang hakbang na dapat gawin.
Sana po ay matulungan nyo kami..