Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

pamana without title

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1pamana without title Empty pamana without title Tue May 31, 2011 12:00 am

Carlei Sanidad


Arresto Menor

goodmorning po!
ako po ang panganay sa 4 na anak nang namayapa kong ama. mother ko po OFW.

Background:

nuong buhay pa po yung father ko alam na niyang mana niya etong lupa na tinitirican nang bahay namin, na pinagawa nang mother ko na OFW, kaya lang hindi pa nakapangalan sa kanya kundi sa lola ko pa na namatay na din. yung lola ko pala may kapatid na uhay pa.

ngayong namayapa na siya parang lumalabas wala kaming karapatan dito sa bahay kasi and sinasabi nang mga kapatid nang father ko papatirahin daw nila ang gusto niya patirahin dito at wala pa daw akong pakialam habang buhay pa sila.

nuong buhay pa po si father ko OK naman po pakikisama nang mga tita ko sa amin nag simula nalang nung namatay ang father koh.

Question:
1. may karapatan ba kami nah mga anak nang father ko sa mana niya kahit hindi pa nakapangalan sa kanya?
2. sa bahay po namin may karapatan bang angkinin nang mga kapatid nang father ko?
3. anu po pwede ko gawin kasi po parang inaapi kami nang mga kapatid nang father ko?

sana po masagot niyo., salamat po..,

2pamana without title Empty Re: pamana without title Tue May 31, 2011 11:14 am

TiagoMontiero


Prision Correccional

^(a) Oo, may karapatan kayo sa parte nang mana nang tatay niyo, ang tawag diyan ay right of representation. Lumalabas na nun namatay na ang lola mo, natransfer na ang ownership nang property niya sa kanyang mga anak, un nga lang since hindi na-partition ang property nang lola mo sa mga anak at nanatiling nasa pangalan niya pa ito, naging co-owner ang kanyang mga anak sa property niya, at noon namatay na ang tatay mo, na-lipat na sa inyong magkakapatid at sa kanyang asawa ang parte niya sa property nang lola mo.

(b) ganito, kailangan niyo na pa-settle ang estate nang lola niyo at nang tatay niyo, then kasama na doon ang partition nang property.

(c) kailangan niyo na magconsult personally sa abogado para maayos niyo na ang ownership sa property.

3pamana without title Empty Re: pamana without title Wed Jun 01, 2011 8:10 pm

ur_milkshake


Arresto Menor

Yung Bahay po na kung saan kami nakatira ngayon ay bahay ng lola ko na patay na, sa last will nya po, pinapamana nya sa tiya ko ang bahay at lupa, pero hindi po nakapangalan sa kanya ang titulo, kasi sya lang po ang single, lahat po ng mga kapatid nya ay nabigyan na ng kanya kanyang mana. Patay na po ang tita ko, dalawa po sa mga kapatid nya ay buhay pa, ano po bang sinasabi ng batas na pwedeng gawin ng magkapatid na buhay sa bahay ng tita ko. Pwede po ba nila ito ibenta? gayung ang titulo ay nasa pangalang ng lola ko? kung ibebenta po ba nila yung bahay, sila lang po bang magkapatid ang maghahati sa pera? may parte pa bo doon ang mga naiwan ng mga kapatid nila?

4pamana without title Empty Re: pamana without title Thu Jun 02, 2011 3:28 pm

TiagoMontiero


Prision Correccional

^ah, ganun ba ang istorya, so ang tita mo na pala ang may-ari nang bahay at lupa kung saan kayo nakatira. Ganito, since single naman ang tita mo, ang may karapatan sa mana ay ang kanyang mga kapatid, at kung patay na ang kapatid yun naman mga anak nang kapatid niya ang may karapatan sa parte nang magulang nila. example, 6 silang magkakapatid, at 5M ang value nang bahay at lupa, dahil sa namatay na ang tita yun natitira niyang 5 kapatid maghahati hati sa 5M or 1M each. Pero sabi mo 2 na lang ang buhay, so yun natitirang 2 buhay 1M each, tapos halimbawa un kapatid niya na namatay may 3 anak, un 3 anak, sila maghahati sa parte nang magulang nila, so paghahatian nila ang 1M nang kanilang magulang, and so on.

Ganito, pa-settle na nila yun property, magkakaroon nang affidavit of self ajudication, nakalagay doon na yun property nasa pangalan nang lola niyo ipinamana sa anak niya (name nang tita mo) then namatay na yun may - ari na walang anak kaya malilipat sa mga kapatid niyang buhay at sa mga anak naman nang namatay na kapatid. Usually, pwede sa isang instrumetn lang yun, sa Deed of Sale with Extrajudicial Settlement of Estate, pero kailangan niyo magconsult din sa Registry of Deeds sa propoer procedure, at kailangan niyo magconsult personally sa abogado.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum