Kanina po kasi nag arraignment na kami ng husband ko. Siya may attorney ako wala. Binasahan po siya ng sakdal at nag plea ng not guilty. Ang sabi ng judge pre-trial na sa December. Pero nagulat yung attorney niya at nag request ng mediation for next month.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Sa tingin mo po ba ay kailangan ko maghire ng sarili kong attorney?
Maraming salamat po..
Nagfile ako ng kaso April 2013 dahil hindi siya nagsusuporta sa anak namin hanggang sa kasalukuyan. At noong June 2015 lang po nagkaroon ng resolution at may probable cause. Naipawarrant ko po siya kaya nagkaroon kami ng hearing.