Ano po dapat gawin kung yung bro ko married siya with 2 kids. Tapos nagka-gf siya at nagka-anak, inacknowledge nya ung bata. tapos after almost 2yrs nagsampa ng case yung babae RA9262 child support, nasa court na po ngayon ung case. naki-pag settle ung bro ko in front of the fiscal (alone ung bro ko kc wala syang lawyer), nagbigay sya ng paunang sustento. tapos nung hearing binanggit ng fiscal sa judge na nag-settle na sila witness ung fiscal.
tapos after 1 week gumawa ng agreement ung PAO(sya ang tumulong maisampa and case) na magbibigay ng support ung bro ko, half on the 15th at half on the 30th of month ung bigay. nabanggit din sa agreement request to dismiss ung case. nag-sign bro ko, ung babae at ung PAO.
pero dahil pamilyado ang bro ko, nagigipit din siya. hindi po sya nakapgbigay ng half sa ibang month at half sa ibang month pa. after that nirereceive parin ng babae ung ibang perang padala ng bro ko para sa bata. kaso nung pagdating ng hearing sabi ng babae itutuloy parin ung demanda.
ano po dapat gawin ng bro ko? wala syang lawyer, kaya walang makatulong sa kanya on time of hearing. salamat po.