Naka receive ang aking magulang nang demand letter na ang metro "daw" namin ay tampered to be exact ang word na ginamit nila ay "THE LEFT BAKELITE WAS SHUNTED" dahil dun ang magulang ko ay pinag babayad nang 300k pesos. Bago ang problema na ito merong mga taga meralco at may kasama pa daw na pulis na pumunta sa aming bahay dahil wala ako nang mga oras na iyon ang magulang ko ang humarap sa kanila, wala namang nabangit ang taga meralco na may problema sa metro oh jumper sa aming linya bagkos sinabi na sira daw ang aming metro at ito ay papalitan. Makalipas ang ilang buwan two to three months na tanggap na namin ang nasabing sulat na tampered nga daw ang aming metro. Pwede kaya naming idispute na nang yari ang pag kasira nang metro simula nung may nagpalit nito?
Napakasakit lang sa kalooban na yung mga taong nasunod sa batas nang tama ay yung nakakatanggap nang ganito, sa mantalang yung mga totoong may ilegal na gumagawa ay di napaparusahan.
salamat po..