I am currently working for more than 3 years na with a BPO company.
Balak ko po mag immediate resignation due to following reasons:
1. Ayaw nila ako bigyan ng increase kahit na promote ako as a Quality Analyst from agent position. (Note: Nag-ask ako sa kanila before starting the probationary training as QA pero di nila ako binigyan ng sagot and now sinasabi lang nila na pang - QA na daw sahod ko kaya wala na increase.)
2. Hindi lang scope ng QA ang ginagawa ko, pinag t train din nila ako ng mga agent which is trabaho dapat ng trainer.
3. Na promote ako na QA last September,2014 then nung Nov,2014 na lateral transfer ako as level 2 agent at binalik lang sa QA post ng March, 2015. (Note: Ang nangyaring lateral transfer ay "SHORT NOTICE" lang,,, ni hindi umabot ng 2 weeks, binigla lang kami.)
4. I have incidents of being treated unprofessionaly by the superiors like bullying in the office and being humiliated. (Kaya gusto ko narin mag resign)
Ask ko din po sana, until now kasi d parin pinapakita sakin contract for being promoted as QA, pag di po ako ng sign sa contract dahil d ako agree sa terms ano po mangyayari? May makukuha po ba ako "separation pay" if i refused to continue working with them?
Thank you po.