anu po ba ang sakop ng visitation rights sa illegitimate children? overnight o may certain hours lang?
kung sakaling may karapatan ang tatay sa visitation rights, pwede nya ba ilabas ang bata at igala o pwedeng sa bahay lang?
sino sino po ang sakop ng visitation rights kung sakali, tatay lang ba o kasama ang mga ibang kamag anak.. ( kung nasa abroad ang tatay, pwede ba na ang mag avail ng visitation rights ay lolo/lola/tito/tita)
panu kung ayaw pumayag ng nanay sa visitation rights ng tatay sa anak ng illegitimate, ok lang ba yun kahit na nagbibigay ng suporta ang tatay?
panu kung sinabi ng tatay na magsusuporta lang sya sa anak kapag ipinakita o ipinahiram ito, anu ang maaring gawin ng nanay?
salamat po sa sasagot..
(p.s. kaya po ayaw ng nanay na ipakita o
ipahiram ang anak nya sa tatay o kamag anak ng tatay ng bata ay dahil ineskandalo ng mga ito ang nanay ng bata dati at kapag hinihiram nila nuon ang bata ay bini brainwash nila ito..nag file din dati ng bpo ang nanay ng bata sa tatay neto dahil sa emotional, psychological at economic abuse)