Gusto ko sana humingi ng legal advice regarding my situation with my ex live in partner, naghiwalay na po kasi kami ngunit ang problema ay lahat ng mga gamit ko ay nasa bahay ng pamilya niya bago po ako pinalayas ay may ibang mga kagamitan ko na sinira niya. Mayroon daw po akong kailangan bayaran sa kanya na pera dahil nabaon daw siya sa utang sa pakikisama sa akin ng 3 taon, and hanggat hindi daw ako nagbabayad wala daw siyang ibabalik sa akin. Willing naman po akong bayaran para matapos na lang pero gusto ko sana makuha mga gamit ko dahil hindi ko naman ninakaw yung mga yun and hindi naman pera niya ang ginamit pangbili dun. Meron po ba ako pwedeng gawin para masigurado na makuha ko ng nasa ayos lahat ng akin na nasa bahay nila?
Maraming Salamat Po.