Nakatira kami sa isang bahay na may business na tindahan. Hindi sa amin ung bahay nakapangalan iyon sa Tita ko na nasa ibang bansa at sa lola ko. ditto kami pinatira ng tita ko kasama ang lola ko. malaki ang bahay 4m ang halaga nito. Ang papa at mama ko ang umasikaso ng bahay noong kinocosntruct na to. Hindi nakialam ang ibang kapatid ng mama ko. o tumulong man lang sa construction mama at papa ko ang nag asikaso lahat. More than 5 years nakaming nakatira ditto sa bahay. Dahil sa kagipitan hindi na nakakpag padala ng pera ang tita ko at ang sinasabi nya eh ang mama ko na muna ang bahala at mag utang na muna siya. Sinangla ng mama at lola ko ang bahay. Hindi aware ang auntie ko tungkol ditto. Bale ang mama ko papa ko lola ko lang ang nakakaalam tungkul ditto. This year din lumipat ang tito ko, kapatid ng mama ko, sa katabing bahay namin. Dati silang may kaya sa buhay. Lagging humihiram ng pera ang tito ko sa mama ko. dahil gipit kami walang mabigay ang mama ko kaya nag utang siya at pinapahiram ang tito ko. nalaman ng tito ko na naka sangla ang bahay. Kinuha nya ang lola ko at nilipat sa bahay ng tita ko, kapatid ng mama ko. to make the story short. Nagalit ang tita ko ang may ari sa bahay. Nag sumbong ang tito ko at siniraan ang papa at mama ko. hanggang sa hindi na naniwala sa amin ang tita ko. ang lola ko naman hinarass daw siya ng papa ko para isangla ang bahay. At pinapaalis kami sa bahay. Ang tito ko daw ang mag mamanage ng tindahan at sa bahay pag alis naming don. Nag padala ang tita ko ng special power of atty. Ayaw nilang makipag ayos sa barangay. At nag banta sila na papatayin kami pag di kami umalis sa bahay. May baril ang tito ko kaya ntakot kami. Nag bayad sila ng atty. At pinadala sa amin. Nakasaad sa sulat na may 5 days nlng kami para umalis at tinatako kami na pag di kami umalis makukulong kami. Sumangguni na ang mama ko. ang nag demanda ay ang lola ko at ang tito ko ng harassment.sa madaling salita iniwan ng lola ko ang mama ko sa ere. Ang mama ko nag sampa din ng demanda na death threat at libel. Siniraan ng tito ko ang mama at papa ko sa bayan namin. Dapat po may hearing na magaganap regarding sa death threat pero nag file ng counter affidavit ang tito ko. kahapon may nagkwento sa papa ko na mawawalang bisa ung sinampa naming kaso at kahapon nga may dumating na sulat at na dismissed ang kaso naming na death threat. At nalaman din ng papa ko na dinemanda din ako ng tito ko. darating ngaun buwan na ito ang demanda hindi ko pa alam kung ano ang demanda sa akin. Isa ako sa mga witness sa death threat. Iniisip ng papa ko baka demanda laban sa akin dahil nakikialam ako sa problema.
1. Nung nag file ng counter affidavit ang tito ko. may nagpadala sa amin ng sulat un nga ung tungkol sa pag ka dismiss ng kaso. My pirma ung prosecutor pero walang pirma ang atty ng tito ko at hindi man nakatanggap ng sulat ang atty. Namin. natalo po ba kami sa kaso? at mawawalan po ba ng bisa ang kaso namin?
2. Pwedi po ba akong mademanda dahil sa nakialam ako sa problema nila? Pakikialam meaning is I’m the witness.
3. About naman sa harassment na binibintang ng lola ko sa mama ko at papa ko na more than 20 years na naming kasama sa bahay. mas paniniwalaan ba ang lola ko?
4. ang mama ko at papa ko ang nag manage ng tindahan. bali ginawang trabahador ng auntie ko ang mga magulang ko. at walanman po silang nakuhang commission sa pag papagawa ng bahay ng tita ko. may makukuha po ba kami pag pinaalis kami bahay nya?