Nakapag file na po ako against sa ex-highschool bf ko. nagkabalikan kami oct 2009 meron sya asawa pero iniwan nya na ito at nagsama kami sa isang bahay kasama 2 ko anak. By march nabuntis ako but sa panahon na yun pinababalik sya ng magulang nya sa asawa nya. Kailanggan daw nya sumunod kasi may sakit sa puso ang nanay nya at ayaw nya hatakihin ito. Sabi nila they will provide financial support pero kahit sa natal checkup,labroratory, vitamins,gamit ng bata at etc wala naman sya binibigay.Makapag bigay lang sya eh maliit na halaga lang. May parents ang gumastos sa hospital ko. Wala sila anak ng asawa nya so ito ang una nya anak at una lalake apo.
Nakapag file ako bago mganak ng RA 9262 dahil panay drawing lang sinasabi nila. Dumating ang subpeona ng end of dec. Dec 8 nagpaalam sa akin at magtrabaho na daw sya sa dubai.Wala na sya dito sa pinas. Bago sya umalis sya mismo ng register ng birth ng bata at acknowledge naman nya.
Now dumating sa akin ang resolution naka lagay "evidence adduced shoed probable cause to charge of RA 7610 not RA 9262. W/o any justifiable reason can't provide the child needs. Since she is not married she not entitled to support latter."
1. Bakit po naging RA7610 at hindi RA9262?
2. Ano po ba ito criminal case or civil case?
3. Pwede po ba ako magdemand ng support kasi hindi po ako makapag trabaho dahil ako nagaalaga ng baby.Hindi ko tuloy mabigyan ang needs ng 2 ko anak.
4. Pwede ko ba obligahin ang asawa or parents nya for support? or his assest like land title etc.
5. Is it possible na pwede ko sya mapauwi from dubai? poea, agency at embassy?
Ngayon nagmamakawa sya retrac ko daw kasi meron na sya warrant of arrest. magpasalamat na lang daw ako kahit paano meron sya pinadadala. Kung ano lang naisipan halaga padala o hindi magpadala. Nung dec 2k, feb 3k, itong april nakuha nya maglasing at nagastos daw nya yung pera.Magaling sya gumawa ng kwento, maglie. gusto ko nag security for support. Dahil sa status ko nasira ang career at family ko.Ngayon I am in depression it affected my emotionally, pychological, physical effect sa amin ng baby at mga anak ko.
Sana po mabigyan nyo mo ako ng kunting liwanag dito sa aking problema.salamat po